TINIYAK ni outgoing PBA chairman Mikee Romero ng GlobalPort na walang aberya ang nakatakdang pagbubukas ng 43rd season ng liga ngayong buwan.

“Rest assured, the 2018 PBA season will start at December 17,” pahayag ni Romero sa kanyang mensahe sa ginanap na 2017 PBA Press Corps Annual Awards nitong Huwebes ng gabi sa Gloria Maris Restaurant sa Gateway Mall sa Cubao.

Mikee Romero
Mikee Romero
May nabubuong agam -agam na posibleng maantala ang pagbubukas ng susunod na season dahil sa kasalukuyang gusot sa pagitan ng mga miyembro ng PBA Board of Governors.

“By next week, we will fix everything. This impasse will come to an end. I would confidently say that divisiveness, the impasse will finish next week. Whatever group you’re part of, this will all end,” pahayag ni Romero.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kabuuang pitong koponan na kinabibilangan ng TNT Katropa, Meralco, NLEX, Alaska, Rain or Shine, Phoenix, at Blackwater ang nagpahayag ng pagkawala ng kanilang kumpiyansa kay PBA Commissioner Chito Narvasa kung kaya nagdesisyon silang huwag na itong bigyan ng contract extension.

Kinontra naman ito ng limang kopona na sinasabing ‘SMB Group’ na kinabibilangan ng San Miguel Beer, Ginebra, Magnolia, GlobalPort, at Kia.

“Like a normal family, there will always be problems. We’re all passionate and that’s the reason why we got here. But it’s in the interest of all 12 corporations, all 12 teams to put up a league by December 17,” pagtatapos ni Romero.

Nag-ugat ang gusot nang hindi nagustuhan ng ‘Magnificent 7’ ang pagpayag ni Narvasa sa trade na kinasangkutan ng SMB at KIA kung saan napunta sa Beermen ang karapatan sa NO.1 pick sa nakalipas na Rookie Drafting kapalit ng tatlong ‘benchwarmer’ player.

Bunsod nito, napunta sa SMB – itinuturing dominanteng team sa nakalipas na taon – ang No.1 pick na si Christian Stanhardinger, sa taas na 6-foot-7, ay kumumpleto sa ‘Triple Tower’ ng Beermen na kinabibilangan nina four-time MVP Junemar Fajardo at one-time MVP Arwind Santos. - Marivic Awitan