Nagbabala kahapon sa publiko ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa inaasahang pagpasok sa bansa ng isa hanggang dalawang bagyo ngayong Disyembre.
Tinukoy ni Robert Badrina, weather specialist ng PAGASA, na ang naturang mga bagyo ay posibleng tatahak sa Visayas o Luzon.
“Kadalasan, ang track ng bagyo ay tumatama sa Visayas or nagre-recurve sa northeastern part. May pagkakataon ding tatama sa gitnang bahagi ng Luzon,” paliwanag ni Badrina.
Gayunman, aniya, ang average track ng mga bagyo ngayon ay sa Visayas o sa hilagang Mindanao.
Matatandaang ang bagyong ‘Tino’ ang huling sama ng panahon na pumasok sa Philippine area of responsibility (PAR). - Rommel P. Tabbad