Ni Ernest Hernandez

MARAMI ang tumaas ang kilay sa desisyon ni Gilas Pilipinas head coach Chot Reyes na ialabas sa starting line up si June Mar Fajardo – ang four-time MVP ng PBA.

Ngunit, ang resulta ng panalo ng Gilas Pilipinas laban sa Chinese-Taipei, 90-83, ay tila akmang diskarte sa National Team.

Bago pa mang magbalik-bayan mula sa matagumpay na laban sa Japan, iginiit ni Reyes ang pangangailangan sa bilis ng koponan.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Bunsod nito, mas binigyan niya ng playing time sina Japeth Aguilar at naturalized player Andray Blatche kesya kay “The Kraken.” Sa kabila nito, hindi natinag o nagreklamo si Fajardo.

“I spoke to June Mar to tell him that he will come off the bench and if he’d be fine with it. He said no problem,” pahayag ni Reyes.

“I think it was a tribute to the ‘teammanship’ of the players on this squad when we decided to start Japeth together with Andray even before the Japan game,”aniya.

Naging epektibo naman ang diskarte ni Reyes at sa oras na kailangan na ang lakas at katatagan, ginamit na niya si Fajardo para tuluyang masupila ng Taiwanese.

“The good thing, even if we are not shooting well, we found out the way to grind out a W. Hopefully that is a sign of progress and evolution of this team,” pahayag ni Reyes.

Para kay Fajardo, ang panalo ng koponan ay hindi sa iang player lamang kundi sa pagkakaisa.

“Nagpapasalamat lang ako sa mga teammates ko and kay coach sa tiwala niya sa akin,” giit ni Fajardo. “Kung ano yung pwede kong ma-contribute sa team, gagawin ko.”

Tumapos si Fajardo na may 17 puntos, walong rebounds at dalawang blocks.