Ni: Liezle Basa Iñigo

DASOL, Pangasinan - Patay ang isang motorcycle rider nang mabangga ito ng isang kalabaw at ng kasalubong na motorsiklo sa national highway sa Barangay Hermosa sa Dasol, Pangasinan.

Ganap na 6:00 ng gabi nitong Martes nang mangyari ang aksidente, na ikinasawi ni Melvin Balonzo, 19, ng Bgy. San Pascual, Burgos, Pangasinan.

Minamaneho ni Balonzo ang kanyang Rusi 150 motorcycle nang mabangga niya ang isang kalabaw at ang motorsiklong minamaneho ni Jay Arr Mercullo, 37, high school teacher, ng Bgy. Eguia, Dasol.

Probinsya

Student-athlete, pumanaw matapos ang boxing match

Kaagad na naisugod sa ospital sina Balonzo at Mercullo, subalit kalaunan ay binawian ng buhay ang huli.