Ni: Leandro Alborote

TARLAC CITY – Nagkaengkuwentro ang Oquendo Gang at ang pulisya at napatay ang lider ng grupo, habang apat na iba pa ang naaresto sa 2nd Street, Fairlane Subdivision sa Barangay San Vicente, Tarlac City, nitong Lunes ng hapon.

Sa ulat ni Tarlac City Police chief Supt.Bayani Razalan kay Senior Supt. Ritchie Medardo Posadas, director ng Tarlac Police Provincial Office, kinilala ang napatay na si Genesis Oquendo, nasa hustong gulang, na nagtamo ng maraming tama ng bala sa katawan.

Matagumpay namang nasakote ang mga miyembro ng Oquendo Gang na sina William Remon, 53, may asawa, contractor, ng Bgy. Paulog, Ligao, Albay, na nakumpiskahan ng isang .45 caliber pistol na may pitong bala; Gerome Vasquez, 43, may asawa, security guard, ng Bgy. Banao, Ginobatan, Albay, na nahulihan ng .45 caliber Colt na may dalawang bala.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Isang .38 caliber revolver na may apat na bala ang nasamsam kay Henry Palmones, 48, magsasaka, ng Bgy. San Francisco, Ginobatan, na nadakip din kasama ni Victor Vasquez, 40, may asawa, ng Bgy. Banao, Ginobatan, Albay.

Nakatakas naman sina Erwin Francisco at Michael Ortiz, kapwa nasa hustong gulang, ng Bgy. San Jose, Calbayog City, Samar. Sila ay kapwa may warrant of arrest sa kasong murder.

Ayon sa pulisya, si Oquendo ay sangkot sa gun-for-hire at most wanted sa Samar na may P50,000 patong sa ulo para sa kinahaharap na tatlong bilang ng murder.