Ni: Ellalyn De Vera-Ruiz

Rerepasuhin ng matataas na opisyal ng anim na bansa na nakapaligid sa Coral Triangle ang kanilang plan of action para pabilisin ang implementasyon ng hinahangad at layunin nito para sa rehiyon na mayaman sa biodiversity.

Kasalukuyang nasa bansa ang mga opisyal ng Coral Triangle Initiative on Coral Reefs, Fisheries and Food Security (CTI-CFF) para sa apat na araw na pagpupulong hanggang sa Huwebes.

Si Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang umuupong chairman ng council of ministers.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“The coral reef ecosystems of the Coral Triangle are among the most threatened in the world,” ani Cimatu.”We are racing against time to save them to ensure food security for our people.”

Bukod sa Pilipinas, ang iba pang miyembro ng CTI-CFF ay ang Indonesia, Malaysia, Papua New Guinea, Solomon Islands and Timor-Leste. Ang mga bansang ito sa Coral Triangle ay tinatawag na CT6.