Ni: Mary Ann Santiago

Dalawang beses na nagpababa ng pasahero ang mga tren ng Metro Rail Transit (MRT)-Line 3 kahapon dahil sa dalawang aberyang teknikal.

Batay sa abiso ng MRT-3, nabatid na dakong 6:17 ng umaga nang unang magpababa ng mga pasahero sa Cubao Station southbound dahil sa technical problem.

Umabot sa Category 2 ang insidente, na nangangahulugang inalis ang tren sa riles ngunit may kapalit ito.

‘Prayers for your success!’ De Lima, binati si Torre matapos italagang MMDA General Manager

Pagsapit naman ng 12:21 ng tanghali, muling nagpababa ng mga pasahero ang isa pang tren sa Shaw Boulevard northbound dahil pa rin sa technical problem.

Ang naturang aberya ay umabot naman ng Category 3, o inalis ang tren sa linya nang walang kapalit.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang MRT-3 dahil sa mga naturang aberya.