Ni: Cover Media

MUKHANG natagpuan na ni Taylor Swift ang kanyang The One sa katauhan ng kanyang British beau na si Joe Alwyn.

Palihim na lumalabas ang couple simula pa noong Enero, at habang hindi pa nila kinukumpirma ang kanilang relasyon, o hindi pa man sila nakikitang magkasama, kasama ang ilang mga kaibigan, inihayag ng kanilang barkada na nasa maayos ang kanilang relasyon.

Taylor copy

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Privately, Taylor has made no secret of the fact that this relationship is different to any that have gone before,” saad ng insider sa Grazia magazine ng Britain. “She met Joe at her lowest ebb, during the biggest backlash of her career, but Joe isn’t interested in Taylor’s celebrity and wanted to get to know the real her.

“Spending time together away from the spotlight allowed things to develop naturally, without outside pressures, and Taylor is convinced that this is the real deal. She’s told her family and close circle of friends that she believes Joe is The One, and that she can see herself marrying him. He’s younger than some of her exes but the relationship feels very adult.”

Nitong mga nakaraang taon, naging karelasyon ni Taylor ang mas matatandang lalaki na sina Calvin Harris at Tom Hiddleston, kahit naging katatawan ang relasyon nila ni Tom, nang mamataan silang nagpi-PDA.

Kilala ang singer sa pagsusulat ng kanta para sa kanyang mga ex-boyfriend. Inilabas ang kanyang ikaanim na studio album na Reputation ngayong buwan, at sinabi ng mga taong malalapit sa kanya na hindi mapapabilang si Joe sa listahan ng mga kanta.

“Taylor is in a great place, and Joe is a big part of that,” sabi pa ng source. “She doesn’t want to tempt fate by making any big public declarations, but she is convinced that they will go the distance. Seeing them together, it’s not hard to believe her.”