Hiniling ni Senator Grace Poe sa Malacañang na sertipikahan ng “urgent” ang panukalang emergency power para kay Pangulong Duterte, para malutas o maibsan ang problema sa trapiko.

Ayon kay Poe, mapapablis ang pagbibigay ng kapangyarihan sa Pangulo kung masesertipikahan ito bilang “urgent”, at eksakto umano ito sa inaasahang paglubha ng trapiko sa bansa ngayong panahon ng Pasko.

“Siguradong gagalaw ang emergency powers kung gagawin ng Malacañang na prayoridad ito at sesertipikahan para rin makatulong sa mabilis na pagpapatupad ng mga proyektong magpapaginhawa sa trapik,” ani Poe.

Aniya, ito ang pinakamabisang paraan upang mapabilis ang Senate Bill No. 1284 or An Act Compelling the Government to Address the Transportation and Congestion Crisis Through the Grant of Emergency Powers to the President, na kanyang inakda.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kapag nasertipikahan na ito, uusad na ito sa dalawang kapulungan.

Layunin nitong mabawasan ng mga polisiya na nagpapabagal sa implementasyon ng rehabilitasyon.

“Yung tax proposal, ‘yun ang priority, mahabang debate iyan. ‘Pag ‘yun ang nakasalang at hindi naman prioridad ang emergency powers, depende talaga ‘yan kung maisisingit pa. Kaya mahalagang masertipika na ang emergency powers,” dagdag pa ni Poe. - Leonel M. Abasola