Dahil sa patuloy ng kampaya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) laban sa ilegal na droga, isa na naman umanong tulak ng ilegal na droga ang naaresto sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni PDEA Director General Aaron N. Aquino, kinilala ang suspek na si Jonathan Arbonades, 40, residente ng Barangay Bahay Toro, Quezon City.

Sinorpresa ng awtoridad si Arbonades, na dati na umanong sumuko sa Oplan Tokhang ng Quezon City Police District (QCPD), sa kanyang bahay.

Sa imbestigasyon ng PDEA, sinalakay ng mga ahente ng PDEA – NCR ang hideout ni Arbonades sa nabanggit na barangay at hindi na ito nakapalag sa mga umaaresto, dakong 12:30 ng madaling araw.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nakumpiska mula kay Arbonades ang isang bulto ng umano’y shabu, drug money, at mga drug paraphernalia.

Kasalukuyang nakakulong sa PDEA ang suspek na nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. - Jun Fabon