BAUAN, Batangas – Matatapos na sa susunod na taon ang mahigit P1-bilyon road widening at rehabilitation sa ikalawang distrito ng Batangas.

Ayon kay Deputy Speaker at 2nd District Rep. Raneu Abu, naglaan ng mahigit P1.019 bilyon ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa pagpapaayos ng kalsada na nagsimula noong 2013.

Sa proyekto, palalaparin ang Palico-Balayan-Batangas Road, Bauan-Mabini Road, Lobo-Batangas Road, at Manila-Batangas Road.

May road widening din sa Batangas Port Diversion Road, at aayusin ang access roads patungo sa mga airport, major sea port, at declared tourist destinations. - Lyka Manalo

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito