Ni: Francis T. Wakefield

Inaresto ng mga tauhan Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang dalawang katao, kabilang ang 45-anyos na British, sa pag-iingat ng armas kasunod ng operasyon sa Pasig City nitong Huwebes.

Kinilala ni PNP-CIDG Chief Police Director Roel Obusan ang inarestong mga suspek na sina Matthew George Marney at Rommel MaÑas Catilo, 45.

Sinabi ni Obusan na inaresto ng mga tauhan ng CIDG Anti-Transnational Crime Unit (ATCU) ang mga suspek sa No. 25 Pepper St., Valle Verde 5, Pasig City, bandang 1:35 ng hapon.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Isinagawa ng awtoridad ang operasyon, sa ilalim ng pamumuno ni Chief, Police Supt. Roque Merdegia, sa pamamagitan ng search warrant.

Kabilang sa mga armas na nasamsam ang limang caliber .45 pistols, 11 magazine para sa caliber .45, 14 na bladed weapon, 25 piraso ng caliber .45 ammunition, limang brass knuckles, isang slingshot, isang stun gun, stun gun plastic case, isang firearms cleaning kit, apat na pistol case, tatlong firearms holster, at apat na kahon ng firearms empty shells.

Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Law.