Ni: Annie Abad
PARARANGALAN bilang Man of the Year of the world for Taekwondo si Makati Congressman at 2019 SEAG Chef de Mission Monsour del Rosario bilang pagkilala sa kanyang naiambag sa larangan ng sports sa Disyembre 7 sa World Taekwondo Center sa SEOUL South Korea.
Isa umanong malaking karangalan para sa bansa ang pagkilala kay del Rosario gayung siya ang kauna unahang Filipino ang mapaparangalan nga nasabing pagkilala sa award giving body sa larangan ng sports.
“Nagpapasalamat nga ako sa PSC, sa POC, sa Speaker of the House, sa Philippine Olympian, kasi sila yung nagbigay ng sulat sa Korea para sabihin yung mga achievements ko sa taekwondo tapos ayun,kinonsider naman ng mga namumuno dun sa SEOUL kaya tuwang-tuwa ako,” pahayag ni del Rosario.
Sinabi pa ni del Rosario na bihira ang ganitong parangal gayung siya lang ang nagiisang Pinoy na makaktanggap ng award sa walong pararangalan.
“Yung pito puro Koreans sila, so ako lang yung Pinoy, foreigner tayo sa award na ito so that’s why I’m very happy,” dagdag pa ng 52-anyos na si del Rosario.
Si del Rosario ay naging kinatawan ng bansa sa Taekwondo nung kanyang kapanahunan kung saan ay mayroon siyang first ranking na record sa mga international competition gaya ng 1988 SEOUL Olympics,nagkamit ng gintong medalya sa 14th at 15th SEAGames, bronze medalist sa 10th Asian Games at iba pa.