Ni: Gilbert Espeña
HAHAMUNIN ni dating WBC Eurasia Pacific Boxing Council minimumweight champion Toto Landero ng Pilipinas ang walang talong si WBA mini-flyweight titlist Thammanoon Niyomtrong sa Disyembre 15 sa Bangkok, Thailand.
Ito ang ikaapat na depensa ng full WBA title ni Niyomtrong matapos talunin sina Shin Ono (UD 12) at Go Odaira (KO 5) ng Japan at dating IBO light flyweight champion Rey Loreto (UD 12) ng Pilipinas.
Kapansin-pansin sa rekord ni Niyomtrong na tulad din ng iba pa niyang kababayan na hindi pa lumalaban sa labas ng Thailad.
Sa nasabing punto, dapat patulugin ng No. 15 ranked na si Landero si Niyomtrong para maiuwi ang world title dahil mahirap manalo sa puntos sa Thailand tulad din sa mga bansang South Africa, Russia at Australia.
May rekord si Landero na 10-1-2 na may 2 panalo lamang sa knockouts kumpara kay Niyomtrong na may perpektong kartada na 16 panalo, 7 sa pamamagitan ng knockouts.