pccl copy

NADOMINA ng Naga College Foundation Tigers ang University of Perpetual Help System of Laguna Saints, 98-74, para makopo ang kampeonato sa Philippine Collegiate Champions League (PCCL) Southern Luzon kamakailan sa UNC Sports Palace sa Camarines Sur.

Matikas ang simula ng Tigers at nasustinahan ang momentum sa krusyal na sandali para mahila ang bentahe sa double digits tungo sa impresibong panalo.

Hataw ang NCF sa 11-2 run para mapalobo ang bentahe sa 20 puntos, 60-40, sa kaagahan ng third period.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Nanguna si Allarey sa NCF sa naiskor na 27 puntos, tatlong rebounds, tatlong assists at dalawang steals, habang kumana si Alwin Margallo ng 15 puntos, limang rebounds at apat na assists para sa Tigers.

Hataw si Remundo sa Saints na may 23 puntos.

Iskor:

NCF Tigers (98) – Allarey 27, Margallo 15, Hermonio 13, Ojoula 13, Lapinid 9, Lawas 7, Magistrado 4, Baylon 3, Mendones 3, Nebedum 2, Padua 2, Betito 0, Magpantay 0, Mangubat 0, Olayvar 0.

UPHSL Saints (74) – Remundo 23, Laban 19, Belolo 13, Rosale 6, Espanol 4, Sangco 4, Forcon 3, Cordero 2, Balido 0, Capinpin 0, Lescano 0, Mahilum 0.

Quarterscores: 24-18, 49-38, 70-53, 98-74.