DAHIL sa pinaghalong action, drama, at comedy, tinutukan at sinubaybayan ng loyal viewers ang pangalawang season ng primetime series na Alyas Robin Hood. Ngayong finale week, mas maiinit at maaaksiyong eksena pa ang inaabangan.

DINGDONG copy

Ayon kay Dingdong Dantes, malaki ang pasasalamat nila sa network na binigyan sila ng second season.

“’Yung buong book two is really a bonus para sa amin. Hindi rin namin in-expect na magkakaroon ng pangalawa. Para sa amin, grabe na ‘yung pasasalamat namin sa network dahil binigyan kami ng another chance para maipakita ang istorya ni Pepe,” sabi ng Kapuso Primetime King.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Dagdag pa niya, naging pamilya na ang turingan nila sa set at masaya siyang nakatrabaho ang ilan sa pinakamahuhusay na mga aktor sa industriya.

“Siyempre, higit isang taon ba naman kayong magkakasama at masaya lahat. ‘Tapos nadagdagan pa ng mga kuwelang tao, mga bagong cast. ‘Yun ang unforgettable talaga,” aniya.

Samantala, parehong ikinagulat nina Pepe (Dingdong) at Emilio (Edu Manzano) ang rebelasyon na sila pala ang tunay na mag-ama. Ngayong ligtas na ang plaza, hahabulin ni Pepe ang van na sinasakyan ni Emilio. Sa paghaharap ng dalawa, kaabang-abang kung itutuloy ni Emilio ang planong pagpatay kay Pepe kahit alam na nito ang totoo.

Tuluyan na nga kayang mawawala si Pepe kay Venus (Andrea Torres)? At mababawi pa ba ang hustisyang matagal nang ipinaglalaban ni Alyas Robin Hood?

Huwag palampasin ang huling linggo (Nobyembre 20-24) ng Alyas Robin Hood pagkatapos ng Super Ma’am sa GMA Telebabad.