First lady Melania Trump, third from right, with her son Barron Trump, third from left, is presented by the Chapman family of Silent Night Evergreens, the Wisconsin-grown Christmas Tree at the North Portico of the White House in Washington, Monday, Nov. 20, 2017. The tree will be displayed in the White House Blue Room. (AP Photo/Manuel Balce Ceneta)

WASHINGTON (AP) — Ipinagpatuloy nina Melania Trump, at anak na si Barron, ang time-honored, first lady tradition nitong Lunes: ang pagsalubong sa official White House Christmas tree.

Tumugtog ang military band quartet ng mga awiting pamasko habang hinihila ng karwahe ang 19 1/2-foot Balsam fir mula sa Wisconsin patungo sa driveway ng White House.

Lumabas ang First Lady at si Barron mula sa North Portico. Inikot nila ng punongkahoy at nilapitan sina Jim at Diane Chapman, na nagpresinta nito. Ang mga Chapman ang nagmamay-ari ng Wisconsin Christmas tree farm at nanalo sa taunang paligsahan na itinaguyod ng National Christmas Tree Association.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture

“This is a beautiful tree. Thank you so much. We will decorate it very nicely,” sabi ng first lady sa mag-asawang Chapman at iba pang miyembro ng kanilang pamilya. “I hope you can come and visit with us.”

Matapos ibigay nina Mrs. Trump at Barron ang kanilang symbolic approval, maingat na dinala ang punongkahoy sa Blue Room kung saan ito magiging holiday showstopper para sa pangulo na nangakong ibabalik ang Pasko sa sentro ng winter holidays.