Namatay ang isang lalaki nang saksakin ng kanyang kapitbahay na nagwala matapos na hindi matirahan ng ulam ng mga kasama nito sa bahay sa Malabon City, nitong Linggo ng gabi.

Dead on the spot si Jay Ranile, 44, ng Barangay Letre, dahil sa natamong pitong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Kusang-loob namang sumuko si Alberto Ople, 25, na nahaharap sa kasong homicide.

Sa imbestigasyon ni PO3 Julius Mabasa, bandang 8:00 ng gabi at lasing na umuwi ng bahay si Ople at dumiretso sa kusina para kumain.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Gayunman, pagbukas ng kaldero ay wala na itong lamang ulam kaya nagwala siya at kinalampag ang pader na nakadikit sa bahay ni Ranile.

Lumabas ng bahay ang biktima para awatin si Ople, pero pinagsasaksak na ito ng huli.

Kuwento ng suspek, natakot siya na saktan siya ni Ranile dahil mas malaki ito sa kanya kaya sinaksak niya ito. - Orly L. Barcala