Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte na sisibakin ang mga opisyal ng gobyerno na bumiyahe sa ibang bansa nang walang pahintulot mula sa kanyang tanggapan.

Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng TienDA Farmers and Fisherfolks Outlet sa Davao City, binira ng Pangulo ang mga opisyal ng pamahalaan na dumalo sa mga hindi importanteng meeting o seminar gamit ang pondo ng gobyerno, at binalaang tatanggalin ang mga ito.

“For those guys that been using money of the government just as easily going an unauthorized travel upon the invitation of any seminar, pero hindi naman sila kumukuha ng permit and wasting the money of the people I have to ask them to resign, kung gusto ko man kokonti lang ang those important meetings,” diin ng Pangulo.

Hindi pinangalanan ng Pangulo ang mga tinutukoy nitong opisyal ng pamahalaan.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

“Those who went out the country without the permission and wasting the money of the people, they better resign dahil tatanggalin ko sila, pero hindi ko naman isasapubliko ang dismissal para naman hindi sila kumalat sa kahihiyan, dahil huhubaran ko talaga sila,” dagdag niya. - Beth Camia