Ni ADOR SALUTA
INULAN na naman ng puna at batikos ang TV host-comedian na si Joey de Leon dahil sa post niyang throwback photo na kuha sa kanya sa dagat.
Tila hindi raw tama ang timing ng pagpo-post ng throwback photo ni Joey habang ipinagluluksa ng It’s Showtime ang pagkawala ng isa nilang kapamilya, ang miyembro ng Hashtags na si Franco Hernandez.
Nagkataon kasing noong Huwebes, November 16, ay nagbigay ng tribute ang It’s Showtime para sa namayapang Hashtags member.
Namatay si Franco sa pagkalunod sa isang resort sa Davao Occidental noong Sabado, November 11.
Ayon sa ilang netizens na nakabasa sa post ni Joey, naging insensitive diumano ang TV host dahil sa paggamit ng salitang “nalunod” sa caption ng kanyang post.
Sana raw ay hindi itinaon ni Joey sa araw na iyon ang pag-post ng kanyang throwback photo.
Maging ang ilang taga-It’s Showtime ay nag-react dito.
Wala mang direktang pangalang binanggit, tila may sagot si Teddy Corpuz tungkol sa post ni Joey. Sabi ni Teddy sa kanyang tweet kahapon: “Sana ‘binigay mo na lang muna sa amin ang maipagluksa ang kaibigan at kapatid namin, kahit isang araw lang. Kahit ngayon lang.
“Nakakalungkot ka po. Ipapag-pray po kita na gabayan ka ng Poong Maykapal.”
Sumang-ayon naman ang ilang followers ni Teddy na nagkomento rito:
“Magpupublic apology lang daw sya.. okay na.. nakakagigil yung mga ganyang tao.. palibhasa talunan. Pngmamayabang ung longest noon time show nla.. no choice kasi management. Kht palitan di nmn papatok.. tumanda tlgang paurong.
— Cinderellatalosig (@vhindy14) November 16, 2017
Sinegundahan din ng kasamahan ni Franco sa Hashtags na si Paulo Angeles ang post ni Teddy.
Sinabi ni Paulo sa kanyang tweet nitong Huwebes na wala sa lugar ang joke ng hindi niya pinangalanang tao.
Buwelta ni Hashtag Paulo: “Tanda mo na bastos ka pa. Wala akong pake kahit sikat ka. Mga joke mo wala sa lugar.
Sobrang bastos mo.”
Marami rin ang nag-react sa post na ito ni Paulo:
“So true. Karma is real naman. Si Lord na bahala sa kanya.
— Marvee Sunga (@Leeanry) November 16, 2017
Matindi naman ang banat ni Carmelo Manangan ng Punta, Sta. Ana kay Joey, “Palibhasa laos na, kaya gusto laging nakikisawsaw sa isyu. Pati ba naman ang pagkalunod ni Franco, sinakyan? Papansin kang matanda ka, walang pinagkatandaan. Hindi natutulog ang Diyos, lahat ng kabastusang ginagawa mo, babalik din sa ‘yo ‘yan. Makarma ka sana,” ani Carmelo.
Kumukuyog na naman ang netizens na nagsasabing tila hindi na raw natuto si Joey na ang huling komentong kinuyog ng netizens ay tungkol sa depresyon nitong Oktubre. Sinabi niyang gawa-gawa lang ng tao ang depresyon.
Kalaunan, humingi siya ng dispensa tungkol dito.