Ni REGGEE BONOAN

HINDI inaasahan ni Tony Labrusca na mananalo siya ng Best New Male TV Personality para sa fantaseryeng La Luna Sangre sa 31st PMPC Star Awards for TV.

Tony copy copy

Pawang kilala na rin sa showbiz ang mga katunggali ni Tony na sina Addy Raj (Meant to Be, GMA 7), Bruno Gabriel (Hahamakin Ang Lahat, GMA 7), Dave Bornea (Alyas Robinhood, GMA-7), Gil Guerva (My Love From The Stars, GMA-7), Marco Gallo (Wansapanataym Super Bing, ABS-CBN), Mark Oblea (Wansapanataym My Hair Lady, ABS-CBN), Migo Adecer (Encantandia, GMA-7) at Sebastian Duterte (Lakbai, TV5).

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

May recording si Tony nitong nakaraang Linggo ng gabi na doon lang din sinabihang pumunta PMPC awards night kaya hindi na siya nakapaghanda sa kanyang bihis.

Abut-abot ang pasasalamat ni Tony sa karangalang natanggap na malaking bagay para sa tulad niyang nagsisimula at magsisilbing inspirasyon ito para lalo niyang paghusayan ang kanyang trabaho.

Naikuwento ng manager ni Tony na si Mario Colmenares na blessing in disguise rin na hindi napasama ang binata sa Boyband PH dahil sa kalagitnaan na pala ng contest ay gusto na niyang mag-quit dahil nagdalawang-isip siya kung itutuloy pa niya dahil pag-arte talaga ang gusto niya.

“Sinabihan ko na lang na ituloy na niya at we’ll see what will happen sa huli,” sabi ni Mario. “Nu’ng hindi siya napili, okay lang sa kanya, hindi siya nasaktan. Though he loves to sing, gusto niyang maging singer din pero as a solo not in a group.

“Good thing na rin na hindi siya napili kaya ang tuwa niya nu’ng kinuha siya for La Luna Sangre kasi gusto niyang umarte and willing to learn talaga.”

Ipinaubaya na raw sa Diyos ni Tony ang lahat ng mangyayari sa kanya sa pag-uwi niya ng Pilipinas.

“Grabe ang faith ni Tony, lahat ng gagawin niya at ginagawa, lahat inihihingi niya ng blessing kay God.”

Sumakto nga raw ang lahat ng gusto ni Tony sa career niya dahil bukod sa pagiging mang-aawit at artista ay gusto rin pala niyang maging host, kaya tuwang-tuwa nang isama kina Iñigo Pascual at Alexa Ilacad bilang hosts sa One Music Popssss na napapanood sa One Music PH online tuwing Martes.

Sa 3rd Season na napasama si Tony dahil sa una at ikalawa ay sina Iñigo at Maris Racal ang magkasama.

Isang beses pa lang namin naiinterbyu si Tony na sa obserbasyon namin ay napakabait na tao, masunurin, magalang at mapagmahal sa mama niya. Maayos siyang makiharap sa kapwa kaya naniniwala kaming malayo ang mararating niya sa showbiz dahil higit sa lahat ay hindi pasaway ayon sa sources namin sa production.

As of now ay busy pa rin sa La Luna Sangre si Tony bilang si Jake na kababata at umaalalay kay Malia (Kathryn Bernardo).

Third wheel si Tony (Jake) kina Kathryn (Malia) at Tristan (Daniel Padilla).

Hoping ang binata na sa taong 2018 ay mapasama na rin siya sa pelikula ng Star Cinema o ng anumang movie outfit.