DUMAGUETE CITY – Nanatiling matatag ang pulso nina Don Marc Bondad at Crisha Mae Merto sa archery event sa nakopong tig-anim na medalya sa kani-kanilang division sa pagtatapos ng Batang Pinoy Games Visayas leg sa Negros Oriental State University range dito.

batangpinoy2 copy

Pambato ng kanyang bayan na Zamboanguita, Negros Oriental, dinaig ni Bondad si Frazel Ray Batingal ng Tacloban City, 6-2, para makamit ang boys cadet division Olympic round championship sa torneo na inorganisa ng Philippine Sports Commission.

Nanaig naman si Merto, anak ni dating national team member Crizaldo at pamangkin ni 1988 Seoul Olympian Rowell, sa kanyang kasanggang si Gabrielle Monica Bedaure, 6-5, sa shoot-off para sa girls cadet division Olympic round title match.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

Sa harap ng nagbubunying pamilya, umiskor si Merto ng walong puntos laban sa pitong nagawa ni Bedaure sa sudden-death shoot-off matapos silag magtabla sa finals ng torneo na suportado ni Dumaguete City Mayor Felipe Mariano “Ipe” Remollo.

Kumolekta rin ng anim na gintong medalya si Dumaguete’s Carson Francis Hastie sa boys cub division matapos bokyain ang karibal na si Zhack Randolf Torreon ng Cebu City, 6-0.

“I finally learned the value of proper training and constant practice,” sambit ni Bondad, Western Visayas regional champion sa nakalipas na taon at beterano ng Palarong Pambansa Legazpi, Albay.

“I became overconfident but I promise that it won’t ever happen again,” ayon sa Grade 9 Negros Oriental High School student, patungkol sa kabiguan niyang makalaro sa Palaro sa nakalipas na taon.

“I was so nervous, it thought the stress might trigger my asthma. Muntik na po,” pahayag ni Merto, pinakabatang anak ni dating national champion Cristabel.

Naitala ng Holy Cross High School Grade 8 student ang panalo sa 30, 40, 50, 60-meter at FITA events.

Sa Gov. Mariano Perdices Memorial Stadium, nanguna ang Leyte province, sa pamamagitan ng Leyte Sports Academy, sa huling araw ng athletics event sa napagwagihang anim na medalya.

Nakopo ni Jayvee Alvarez ang ikaapat na gintong medalya nang pagbidahan ang 4x400-meter relay squad sa tyempong 3:44.3.

Naunang nagwagi ang 15-anyos na si Alvarez sa 2,000, 1,500 at 800-meter runs.

“Jayvee does not know how to quit and is obedient inspite of the fact that he did not win in his earlier competitions,” sambit ni coach Damaso Oledan. “Masipag at masunurin yong bata. He was able to do well because of his intensive training.”