Ni: Bert de Guzman

HINDI tulad ni dating Pres. Barack Obama, nakaiwas sa mura si US Pres. Donald Trump nang sila’y magkausap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. Hindi tinalakay ni Trump ang mga isyu tungkol sa human rights at extrajudicial killings kaugnay ng war on drugs ni Mano Digong.

Gayunman, tinalakay ni PRRD ang kanyang laban sa droga subalit hindi pinag-usapan ang hinggil sa EJK at HRVs kaya hindi nagkaroon ng murahan. Magkaiba ang pinalabas na impormasyon ng Malacañang at ng White House tungkol sa tinalakay ng dalawang presidente ang HR o human rights.

Sa pahayag ni presidential spokesman Harry Roque, ang human rights topic ay hindi tinalakay sa bilateral meeting nina PDu30 at Trump. “The issue of human rights did not arise. It was not brought up. It was Pres. Duterte who discussed with US Pres. Trump the drug menace in the Philippines.”

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Mukha raw naiintindihan ni Trump ang isyu pero hindi siya nagbigay ng komento tungkol sa illegal drugs campaign.

“Siya ay tumatango lang, pahiwatig na nauunawaan niya ang domestic problem na kinakaharap natin sa drugs,” ayon kay Roque.

Iba naman ang pahayag ni White House press secretary Sarah Sanders, na nagsabing ang human rights issue ay nabanggit nang bahagya sa pulong. “Ang usapan ay nakatuon sa terorismo, illegal drugs and trade. Nabanggit din ang human rights sa konteksto ng laban ng Pilipinas sa illegal drugs,” ayon kay Sanders.

Nang ipaalam kay Roque ang statement ni Sanders, iginiit niya na ang isyu ay hindi tinalakay. Sinabi niyang ang news reports na magkaiba ang pahayag ng Malacañang at ng White House ay “fair insofar as Pres. Duterte described the war against drugs as promoting human rights”. Wala raw talagang binanggit sa human rights, at sa EJKs. Mahaba lang daw ang talakayan sa drug war, na si PRRD ang nagpaliwanag nang mahaba tungkol dito habang nakikinig si Mr. Trump.

Hindi ba ninyo napansin mga kababayan na hindi pumunta sa Pilipinas sina Chinese Pres. Xi Jinping at Russian Pres.

Vladimir Putin kaugnay ng ASEAN Leaders’ Summit Meeting? Ang dumalo ay ang kanilang mga kinatawan lang. Bakit kaya?

Iniiwasan kaya nila ang magiging pag-uusap nina Trump at Duterte?

Sa pagpunta ni Trump sa Pilipinas, muling uminit ang relasyon nina Uncle Sam at Juan dela Cruz. Medyo nanlamig ang PH-US relationship noong panahon ni Obama. Ngayong naibalik at umiinit na muli ang relasyon ng US at ‘Pinas, ano kaya ang reaksiyon nina Xi at Vladimir?