Ni: Gilbert Espeña

PINISAK ni Filipino Grandmaster Eugene Torre si Israeli Fide Master Boris Gutkin sa seventh round nitong Miyerkules para makisalo sa liderato sa patuloy na idinaraos na 27th World Senior Chess Championship 2017 (50+ and 65+ Open-men and women) sa Acqui Terme, Italy.

torre copy

Ang 66-anyos na sariwa pa sa pagkampeon sa 2017 Asian Senior Chess Championships nitong nakaraang buwan sa Auckland, New Zealand ay napuwersa si Gutkin na mag-resign sa 62 moves ng kanilang Trompovsky encounter para makasalo sa ituktok ng liderato na kinabibilangan nina defending champion at top seed GM Anatoly Vaisser ng France, No.5 GM Yuri Balashov ng Russia;

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

No. 6 GM Vladimir Okhotnik ng France, No.7 GM Vlastimil Jansa ng Czech Republic, No. 11 GM Davorin Komljenovic ng Croatia, No.9 GM Lothar Vogt ng Germany, No.22 IM Arkady Shevelev ng Israel, No.28 Boris Malisov ng Israel at No. 29 FM Christian Hess ng Germany sa 65 and over division na 11-round tournament. Sila ay pawang nakalikom ng tig-5.5 puntos.

Sa panig ni GM Rogelio “Joey” Antonio Jr., ang 13th Philippine Open champion ay tabla kay No. 5 GM Eric Prie ng France tungo sa three-way tie sa third place para sa kabuuang 5.5 puntos gaya ng naitala nina Prie at No. 12 FM Krishan Jhunjhnuwala ng United States na kanyang eight round opponent sa 50-years-old category.

Ang 55-anyoa na si Antonio na nagdala ng karangalan sa bansa matapos ang 3rd overall finish sa blitz side event nitong Linggo ay napuwersa sa repetition ng moves ng Qe4 tungo sa draw sa 27 moves ng London System Opening tangan ang disadvantageous black pieces.