Ni NORA CALDERON

MASARAP kausap si Ms. Mel Tiangco, bawat tanong mo, sasagutin niya nang buong puso.

Muling makaharap ng entertainment press si Ms. Mel para sa month-long 5th anniversary celebration ngayong buwan ng Magpakailanman. Nangilid ang luha ni Ms. Mel habang ipinalalabas ang touching scenes ng mga nagdaang episodes ng kanyang award-winning drama anthology sa loob ng apat na taon. 

Mel Tiangco MPK 5th copy

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ano ang pagkakaiba ng Magpakailanman sa ibang drama anthology?

“Tuwing Sabado, we showcase real story behind the story at maging inspiring and uplifting and also informative and interesting sa mga televiewers,” sagot ni Ms. Mel. “Kaya ngayong month-long celebration namin, pumili kami talaga ng mga heartwarming episodes na alam naming mai-inspire kayo. Una iyong apat na magkakapatid na babae na hindi naghiwa-hiwalay at hindi pinabayaan ang kanilang bunsong kapatid, isa sa kanila nag-donate ng kanyang kidney para gumaling ang kapatid. Iyong isa, no read-no write na maid na nagustuhan ng amo, naging asawa, tinuruang magbasa at magsalita ng English ng American husband niya. Ngayon, may bahay siya sa Amerika, may bahay din siya sa probinsiya nila at living happily with her husband.

“Ngayong Sabado, mapapanood naman ang story ni Azramie “Ramram” Cabugatan, ang batang nawalay sa ina pero nakuha ng isang ina rin, sa ‘Isang Bata, Dalawang Ina’ na gagampanan nina Yasmien Kurdi at Sharmaine Arnaiz. After seven years, ibinalik si Ramram sa kanyang tunay na ina at naging malapit sa isa’t isa and dalawang nanay dahil sa pagmamahal nila sa kanilang anak. Dinirek ito ni Gina Alajar.

“Sa last episode naman sa November 25, tungkol ito sa labanan sa Marawi City, ‘Kuwentong Marawi sa Mata ng Isang Sundalo’ na ginampanan ni Alden Richards at dinirek niMark dela Cruz.”

May nagtanong kay Ms. Mel kung mayroon siyang social media accounts at kung hindi ba siya nakakatanggap ng bashings sa netizens tungkol sa mga issue na tinatalakay niya.

“May social media kami sa GMA Network at sa Kapuso Foundations, Inc. pero personally wala akong social media accounts. Meron din daw akong bashers, but I don’t care. Mas gusto kong ubusin ang oras ko sa trabaho ko. Kung maaari nga lang gusto kong naroon ako kung saan ako kailangan.

“Tulad ngayon ang Kapuso Foundation ay handa nang tumulong sa rehabilitation ng Marawi City, pero hinihintay pa namin ang approval ng government dahil marami pa rin daw silang nakikitang lugar na hindi pa safe puntahan, kailangang malinis muna nila.Inuuna muna namin ang rehabilitation ng mga sundalo nating nasugatan at nawalan ng bahagi ng katawan sa giyera doon, may mga prosthesis nang mula sa US na gagamitin sa kanila. Pero ang ipinagmamalaki namin talaga ngayon iyong Kapuso Villages sa Tacloban City na first concrete buildings na naitayo doon para sa mga residents at mga school buildings after ng typhoon Yolanda.

“Sa ngayon, sa patuloy na paghahatid namin ng mga coming episodes ng Magpakailanmankailangan pa namin ang mga inspirational stories para sa ating mga tagasubaybay. At maraming-maraming salamat sa lahat ng mga walang sawang sumusubaybay sa amin ‘ngayon, bukas at magpakailanman,” pagtatapos ni Ms. Mel.

Ang drama anthology ay napapanood tuwing Sabado, pagkatapos ng Pepito Manaloto sa GMA-7.