Nagtakda ng araw ang Philippine Postal Corporation (PHLPost) sa pagpapadala ng mga sulat at package upang matiyak na makararating ang mga ito sa destinasyon bago sumapit ang Pasko at Bagong Taon.

Ayon kay Postmaster General Joel Otarra, sinadya nilang agahan ang pagpapalabas ng Christmas mail schedule para matiyak na hindi magtatambakan sa kanilang mga post mailing station ang mga sulat at package ngayong Pasko.

Kailangan aniyang ipadala ang mga international express mails (IEMS) para sa Pasko sa Disyembre 11, at Disyembre 13 naman para sa domestic express mails (DEM).

Samantala, kailangang maipadala ang mga domestic registered mail hanggang Disyembre 4, habang ang mga international registered mail ay hanggang Nobyembre 27 lang.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang mga domestic ordinary mail naman ay dapat maipadala bago o mismong sa Disyembre 6, at sa Disyembre 4 naman ang mga international ordinary airmails.

Sa Disyembre 4 ang deadline para sa domestic parcels at sa Nobyembre 29 para sa international air parcels.

Pinayuhan din ni Otarra ang mga taga-probinsiya na agahan ang pagpapadala ng sulat at package sa mga kaanak o kaibigan na nasa Metro Manila, para matiyak na aabot ang mga ito bago mag-Pasko. - Mina Navarro