Inilagay na sa watchlist ng Bureau of Immigration (BI) ang 81 dayuhan, kabilang ang apat na puganteng Chinese, matapos silang arestuhin sa isang condominium unit sa Makati City noong nakaraang linggo, habang inaalam pa kung nilabag din nila ang Anti-Cybercime Law ng bansa.

Sinabi ni BI Fugitive Search Unit Chief Bobby Raquepo na nakadetine pa rin sa detention facility ng kawanihan sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City ang 47 Chinese at 34 na Taiwanese na naaresto sa kanilang unit sa 26th floor ng Burgundy Corporate Tower sa Gil Puyat Avenue nitong Nobyembre 7 dahil sa paglabag sa immigration laws, tulad ng kawalan ng kaukulang dokumento para manatili sa bansa.

Nag-ugat ang raid sa mission order ng Ministry of Public Security of China (MPSC) na ibinigay sa Chinese Embassy sa bansa kaugnay ng apat na puganteng Chinese na akusado ng economic crime at cyber fraud sa Beijing.

Sinalakay ng magkasanib na puwersa ng BI, Chinese police at Counter Intelligence Task Force ng Philippine National Police (PNP) ang lugar at dinakip ang mga puganteng sina Cheng Sheng Feng, 40; Tu Kangte, 30; Liu Yinan, 27; at Fang Hao, 22, kasama ang 77 pang dayuhan. - Mina Navarro

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya