Kevin Belingon (ONE Championship photo)
Kevin Belingon (ONE Championship photo)

Ni Ernest Hernandez

NASA radar ng mga karibal si Kevin Belingon ng Team Lakay bunsod nang matikas na tatlong sunod na panalo matapos ang kabiguan kay Brazilian Bibiano Fernandes sa bantamweight titlefight.

Higit na umani ng atensyon si Belingon nang mapabagsak si Reece McLaren sa loob ng isang minuto sa unang round. Hindi maikakaila na dinugo sa diskarte si Fernandes nang makaharap si LcLaren bago naipuwersa ang split decision.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Kaya’t buo ang pag-asa ni Belingon na muli siyang mabibigyan ng tsansa para hamunin muli si Fernandes.

“Iyan ang pagkatapos ko kay Reese, yung title shot ang ibibigay. Pero hindi naman. Walang problema doon, darating din ang opportunity na lalabanan ko ang champion,” sambit ni Belingon.

“Yung laban ni Reese at Bibiano, umabot ng five rounds. Kaya confident ako na kaya ko tapusin si Bibiano,” aniya.

Tinaguriang “The Silencer”, patatatagin ni Belingon ang karta sa pakikipagtuos sa walang talong si Korean-American fighter Kevin “Old Boy” Chung sa ONE Championship: Legends of the World ngayon sa MOA Arena.

Target ni Belingon na mahila ang winning streak na aniya’y posibleng maging daan para muling makaharap si Fernandes sa world championship.

“Dapat manalo ako sa November 10 para makalaban sa title shot. Iyon ang inaasam-asam ko,” sambit ni Belingon.

Liyamado ang Pinoy fighter, ngunit ayaw niyang pasisiguro higit at hindi pipitsugin si Chung.

“I respect him as a fighter pero iyon nga, sa akin, gusto ko mag-champion kaya dapat manalo talaga. Kailangan mag-train ng husto para manalo sa laban. Kahit sino naman haharapin ko basta sa timbang namin.”