Ni: Leonel M. Abasola

Wala nang babayarang tuition fee ang mga estudyante ng state universities and colleges (SUCs) sa buong bansa ngayong ikalawang semester, alinsunod sa benepisyo ng Republic Act 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education Act.

Ayon kay Sen. Bam Aquino, hindi na maniningil ng tuition fees at miscellaneous expenses ang 112 SUC mula sa mga estudyante ngayong semester. Bago ito, sinabi ng pamahalaan na ipatutupad ang batas simula sa school year 2018-2019.

Sinabi ng senador na ipinarating sa kanya ng Commission on Higher Education (CHED) na wala nang kokolektahing tuition at miscellaneous fees mula sa mga estudyante ngayong semester.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“Kahapon, kinumpirma ko na implemented na po ito this second semester. So, lahat ng mag-e-enrol this second semester, dapat wala nang kinokolektang tuition at miscellaneous expenses,” ayon kay Aquino, principal sponsor at co-author ng RA 10931.

Naglaan ang mga mambabatas ng P40 bilyon sa 2018 national budget para sa pagpapatupad sa RA 10931 para sa school year 2018-2019.

Hinikayat din ni Aquino ang mga estudyante na hindi nakatapos ng kurso sa kolehiyo na magtanong sa mga SUC kung maaari silang bumalik at tapusin ang kanilang pag-aaral.