Ni REGGEE BONOAN

NAGULAT ang cast ng All That Matters sa pangunguna nina Sylvia Sanchez, Ariel Rivera, Yves Flores, Teresa Loyzaga, Maris Racal, Ces Quesada, Ruby-Ruby, Arnold Reyes, Sue Ramirez, Arjo Atayde at iba pa mula sa unit ni Ginny M. Ocampo.

SYLVIA AT ARJO copy

Inakala kasi nila na sa 2018 pa ipalalabas ang kanilang bagong serye pero agad-agad na silang nag-pictorial at kinunan ng AVP nitong Sabado, Nobyembre 4. Nangangahulugan na nalalapit na silang umere.

Human-Interest

Una at pinakabatang Pinoy na nakalibot sa buong mundo, may payo sa future travelers: 'Learn Skills!'

Sa media announcement, inamin ni Sylvia na dream come true na nakasama niya ang anak na si Arjo sa teleserye at hopefully sa pelikula rin.

Nang ialok daw sa kanilang mag-ina ang All That Matter ay, “Tinanong ako ni Arjo kung kaya namin, sabi ko, oo, kaya natin.”

“Lagi kong tinatanong kung ano ang role ko at kung kaya naming magsama,” saad naman ng aktor.

Ang concern lang ni Arjo, “It’s more on role lang, ‘yung depth ng role, relationhip.”

Dagdag paliwanag ng aktres, “Makakatulong ba kami o makakapagpamulat ba kami ng mga bata sa palabas namin ‘tong about family kasi importanteng makakapaghatid kami ng magandang aral sa mga bata at pamilya.”

Bilang Sonya at Paco ay mag-ina sina Sylvia at Arjo sa serye, kaya itinanong namin kung may hawig ba sa tunay nilang buhay ang karakter nila.

“Oo, ganyan din si Arjo dito sa All That Matters, ibu-bully niya rin ako, at mangungulit din, hanggang doon lang, kasi the rest, malayo na sa tunay na buhay namin,” sagot ng aktres.

Galing sa successful shows sina Ibyang at Arjo (The Greatest Love at FPJ’s Ang Probinsyano), pressured ba sila sa bago nilang programa?

“Sobra akong napi-pressure kasi nga sure ako na mataas ang expectations pero sabi ko nga ibinigay sa akin ito ng Diyos so bahala siya, siya mamrublema, ibabalik ko sa Kanya ito, dasal lang,” sagot ng aktres.

Paliwanag naman ni Arjo, “I prefer to disregard pressure kasi in the first place, we trust ABS-CBN, so whatever the management gives us, we will accept especially (they) request us for the project and at the same time you know, I’m always doing my best, I’m at my best at all times and I make sure of that. If my best is not enough for the role, then let me know di ba. But as far as I’m concerned, I think GMO unit and the bosses, hindi naman ako papayagang maggulu-gulo (magkalat) sa karakter, mawala ‘yung focus ko. So, I promise that I will give my best or 200% even more.”

Samantala, nagdiwang ng kaarawan niya si Arjo nitong Linggo, Nobyembre 5 pero wala siyang bonggang handaan at regalo sa sarili.

“Just to celebrate with my family and personal friends ng lunch ‘tapos by 3 PM, it’s a kids party with my cousins and friends na same age ko. Ang mga matatanda maiiwan na sa bahay.”

At ang wish ni Arjo: “I hope this show is going to be successful.”