Ni: Bella Gamotea

Nagpatupad ng oil price hike ang mga kumpanya ng langis sa bansa, sa pangunguna ng Flying V, ngayong Martes.

Sa pahayag ng Flying V, epektibo dakong 12:01 ng umaga ngayong Nobyembre 7 ay nagtaas ito ng 90 sentimos sa kada litro ng gasolina, 75 sentimos sa kerosene, at 55 sentimos naman sa diesel.

Asahan na ang pagsunod ng Shell, Petron, Seaoil at iba pang kumpanya ng langis sa kahalintulad na dagdag-presyo bandang 6:00 ng umaga ngayong Martes.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Ito na ang ikatlong sunod na oil price hike na ipinatupad ng mga kumpanya ng langis.

Oktubre 31 nang huling nagtaas ng preso ang mga kumpanya ng langis: 45 sentimos sa kada litro ng kerosene, at 25 sentimos sa gasolina at diesel.