NI LITO T. MAÑAGO

DALAWANG Pinay beauties ang halos magkasunod na kinoronahan sa magkaibang beauty competition ngayong pageant season 2017.

Reina Hispanoamerica 2017 Winwyn Marquez kasama ang finalists copy

Sabado ng gabi sa Manila nang masungkit ni Karen Ibasco ang korona ng Miss Earth 2017. Sabado ng gabi sa Bolivia naman (Sunday morning, Manila time), kinoronahan si Winwyn Marquez bilang bagong Reina Hispanoamericana (RH) 2017 sa Sta. Cruz de la Sierra sa Bolivia.

ALAMIN: Book launching ng ilang manunulat para MIBF 2024

Pinalitan ni Winwyn ang reingning RH2016 na si Maria Camila Soleiba ng Colombia.

Kauna-unahang beauty delegate mula sa ‘Pinas at Asya si Winwyn and she bested 26 other beauties in the 26 year-old pageant which celebrates the Hispanic heritage and culture.

Matatandaang 333 taon na naging colony ng Espanya ang Pilipinas.

Pumalo nang husto si Winwyn pagdating sa Q&A portion ng pageant.

Impressive at malakas na palakpakan at sigawan ang narinig sa audience nang sagutin ni Winwyn ang tanong ng host na, “How would you promote Spanish-American culture with the great difficulty or barrier of language?”

Confident na sagot ng girlfriend ni Mark Herras sa pamamagitan ng isang interpreter.

“Buenas noches!” panimula ng Kapuso actress na sinundan ng isa pang Spanish phrase.

At nagpatuloy sa sagot si Winwyn, “Language can be learned. Languge can be learned but the will and determination to contribute something to the organization, can not.

Dagdag ng anak nina Alma Moreno at Joey Marquez, “It has to come from the heart and has to be natural. I believe that kindness is a universal language that if you would treat peole with tolerance, patience and love, you will understand each other.

“The hispanic culture is not language only. It’s about love for God, love for history and culture, and love for family. And as a Filipino with a unique heritage, I have instill that. I am ready to promote the hispanic culture not just in Asia but in the whole world.

“It is time to celebrate the hispanic culture. It is meant to be celebrated. Gracias!” pagtatapos ng dalaga.

Bago lumipad patungong Bolivia for the competition, nangako si Win na gagawin niya ang lahat para maiuwi niya ang titulo at korona lalo na’t first time ng Pilipinas sa Reina Hispanoamerica pageant.

Kaya bago pa man napanalunan ni Winwyn ang RH 2017, naging matunog na ang kanyang pangalan sa Bolivia having won several special awards sa pre-pageant activities ng Reina Hispanoamericana isang linggo bago ang actual pageant night.

Congrats, Winwyn! You made us proud.