POSITIBO si Philippine Sports Commission (PSC) commissioner Arnold Agustin na magiging tagumpay ang isasagawang grassroots sports program sa Bacoor Gymnasium sa Nobyembre 11-12.

Ayon Kay Agustin, bahagi ito ng programa ng PSC na naglalayong mahubog ang mga talento nang kabataan at mailigtas sila sa impluwensiya ng iba’t ibang bisyo.

“This is a part of PSC’s grassroots program. Mga athletes sila na magko- compete para sa tatlong sports events, chess, badminton and table tennis,” pahayag ni Agustin.

Kasama ang nasabing programa sa pinagtutuunan ngayon ng PSC bukod sa kanilang paghahanda sa nalalapit na hosting ng SEAG sa 2019.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

Sa ngayon, tiwala ang pamunuan ng PSC na magiging matagumpay ang kanilang pagsasagawa ng nasabing kompetisyon para sa mga batang atleta.

“This is going to be exciting kasi mga bata ang kasali and from these kids pwede tayong makakuha ng mga future superstars sa sport,” ani Agustin. - Annie Abad