Manila, Philippines - MAY tatlong linggong break bago sumalang sa finals ng NCAA Season 93 men’s basketball tournament, inaasahan na ang matinding paghahanda ng outright finalist Lyceum of the Philippines University upang manatiling nasa kundisyon.

Ngunit, bukod sa paghahandang pisikal sa pamamagitan ng ensayo, nagsagawa rin ang Pirates ng pagkakawanggawa o tinatawag na community service.

Lyceum head coach Topex Robinson (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Lyceum head coach Topex Robinson (MB photo | Rio Leonelle Deluvio)
Kabilang sa kanilang ginawa ang pagbisita sa White Cross,isang bahay ampunan na malapit sa Fil Oil Flying V Center sa San Juan.

Ayon kay Pirates coach Topex Robinson, bahagi ito ng pagpaparamdam nila sa kanilang mga players kung gaano sila kapalad kumpara sa mga inabandonang mga bata na kinukupkop sa White Cross.

Human-Interest

Tagahugas ng pinagkainan sa family reunion, pinakamahirap sa angkan?

“Rather to boast about and be proud, we did a lot of community service so again it’s going back to service and being where we are now, we could be enjoying everything but it’s always about helping back and giving back,” ani Robinson.

Noong nakaraang Sabado, gaya ng kanyang sinabi matapos nilang makumpleto ang historic 18-game sweep, nanood din ang buong team ng laban ng Ateneo at UST sa Araneta Coliseum kung saan nakatakdang ganapin ang finals ng NCAA.

“We just wanna visualize kung ano yung mangyayari in the next few weeks so that’s the reason we went here. It’s really about sharing to the players how special it is to be here and watching the games, mentally preparing ourselves for the battle.”

Hinihintay ng Lyceum ang makatunggali nila sa finals kung sino ang mananalo sa huling stepladder semifinals match sa pagitan ng season host San Sebastian College at ng defending champion San Beda College bukas sa MOA Arena.

Ngunit, ang matagal na paghihintay ay sinisikap nilang maging bentahe para sa kanilang panig, ani Robinson.

“They know that our job isn’t done, they are always playing humble, they always know that they haven’t accomplished anything yet.” - Marivic Awitan