INIHAYAG ni national coach Chot Reyes ang listahan ng Philippine Gilas Team na sasabak sa 2019 FIBA World Cup Qualifiers, ngunit hindi kabilang sa kandidato ang Filipino-German na si Christian Standhardinger.
Sa kanyang mensahe sa social network, walang ibinigay na mensahe hingil dito si Reyes.
Naging bahagi ng Gilas si Standhardinger ng dalawang beses, kabilang ang gold medal finish sa 29th Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia. Ang 27-anyos na si Standhardinger ang piniling ng San Miguel Beer bilang No.1 pick sa nakalipas na PBA Rookie Drafting matapos ang kontrobersyal na trade sa KIA na pinatahan ni PBA Commissioner Chito Narvasa.
Hindi ito naibigan ng ilang miyembro ng PBA Board at sa ginanap na emergencu board meeting nitong Huwebes, nagkakaisa ang pitong board member na patalsikin si Narvasa bilang commissioner, ngunit sinalungat ito ng grupo ng SMC.
Kasama sa mga pangalang binanggit niya ang 13 players na dumalo sa ensayo nitong Sabado na sina June Mar Fajardo, Jayson Castro, Gabe Norwood, Calvin Abueva, Japeth Aguilar, Troy Rosario, Raymond Almazan, Allein Maliksi, Roger Pogoy, Matthew Wright, Carl Cruz, Mac Belo, at Jiovani Jalalon. Jalalon.
Sa nabanggit na 13 manlalaro, hindi makakasama sa pool si Jalalon na may iniindang Lateral Collateral Ligament (LCL) injury.
Kabilang din sa pool pero kasalukuyan pang nasa bakasyon sina Terrence Romero at Kiefer Ravena.
Ibinalik din ni Reyes ang naturalized Filipino center na si Andray Blatche na huling naglaro sa Gilas noong 2017 SEABA Championship. Inaasahan itong darating sa Nobyembre 12.
Base naman sa listahan na isinumite sa Samahang Basketbol ng Pilipinas para sa 23-man pool, kasama din ang walo pang manlalaro na kinabibilangan nina Baser naturang liga, kasama rin sina Baser Amer, Kevin Alas, LA Revilla, Russel Escoto, Kevin Ferrer, Von Pessumal, at Mike Tolomia.
Nakatakdang simulan ng Gilas ang kanilang kampanya sa Nobyembre 24 kontra Japan sa Tokyo. Kasunod nito ay sasagupain nila ang Chinese-Taipei sa Nobyembre 27 sa Araneta Coliseum. - Marivic Awitan