Ni Marivic Awitan

KUNG noo’y palaban ang pahayag ng ‘minority’ member ng 12-man PBA Board, nag-iba na ang tono ng grupong sumasalag sa pagpapatalsik kay Commissioner Chito Narvasa.

Sa pinakabagong press statement ng grupo na tinaguriang ‘San Miguel bloc’, humiling sila ng pagkakaisa sa ‘majority bloc’ upang mabigyan ng resolusyon ang isyu sa pamamagitan ng desisyon ng collegial body at maisaayos ang tila nalalamatang samahan.

Hinikayat din ng grupo ang lahat na magkasundo para mapanatili ang integridad ng Philippine Basketball Association at protektahan ang interes ng mga tagahanga.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“We trust we would be able to resolve issues concerning Commissioner Narvasa’s tenure and other matters regarding the PBA’s future direction in the upcoming Annual Planning set on Nov. 14, with fitting dignity and decorum,” pahayag ng statement ng grupo na pinamumunaun ni SMB governor Non.

Hiniling din nila sa seven-board group na nagpatalsik kay Narvasa na iwasan na lamang ang magbigay ng komento o magbigay nang anumang mga pahayag na may direktang kinalaman sa isyu hangga’t hindi pa nareresolba ang suliranin.

Kasabay nito, ipinahayag ng limang teams na kinabibilangan ng San Miguel Beer, Barangay Ginebra, Star Hotshots, Globalport at Kia Picanto na patuloy na pahihintulutan ang kanilang mga players na dumalo sa ensayo ng Philippine Gilas Team na naghahanda para sa Fiba-Asia World Cup qualifier.

“We believe this should not be adversely affected by the board members’ differences in opinion,” ayon sa statement.

“We reiterate that we are doing this to protect the league we all love, the game of basketball and the millions of fans who continue to support us. “

“We still believe we are capable of being better- as a group. We will do all we can not to allow this body to succumb to politicking and abandon basic human decency. We are still, after all, composed of people who uphold values and principles that made this league great through the years,” anila.

Nitong Huwebes, tahasang binatikos ng grupo ang naging desisyon ng seven-board governors na magpasa ng resoluson na ‘nagpapatalsik kay Narvasa bilang PBA Commissioner.

Ini-appoint din ng grupo si deputy commissioner Ricky Santos bilang Officer-in-Charge.

Itinanggi ng grupo na ang dahilan ng kanilang desisyon ay ang pagpaling ni Narvasa sa SMB sa kontrobersyal na trade ng KIA kay No.1 Rookie draftee Christian Standhardinger.