Ni: Liezle Basa Iñigo

Isang pasahero ng bus mula sa Maynila patungong Cagayan ang natuklasang patay na nang makarating ang sasakyan sa terminal nito sa Diversion Road, Barangay Pengue Ruyu, Tuguegarao City, Cagayan.

Ayon sa report kahapon ng Police Regional Office (PRO)-2, kinilala ang pasaherong si Lito Pader, 47, stay-in caretaker sa Lipa City, Batangas at residente ng Bgy. Cattaran, Solana, Cagayan.

Nabatid na bumiyahe ang pasahero kasama si Jimmy Pader, 47, dental technician, at taga-Bgy. Cattaran, Solana.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Kuwento ni Jimmy, uuwi sila ni Lito sa Cagayan para magbakasyon, pero hindi niya inakalang sa bus pa ito mamamatay, habang bumibiyahe sila.

Hindi pa batid kung ano ang sanhi ng pagkamatay ni Lito, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.