Ni: Marivic Awitan

SA loob ng pitong sunod na taon, nanatili ang Centro Escolar University bilang kampeon ng Women's National Collegiate Athletic Association (WNCAA) senior basketball division.

Inilampaso ng CEU Lady Scorpions ang Philippine Women's University Patriots, 70-37,sa finals na ginanap sa Rizal Memorial Coliseum para muling maiuwi ang titulo sa 48th season.

Sa juniors division, tinalo ng De La Salle Zobel sa Game 1 ng best-of-3 title series ang 2-time defending champion Chiang Kai Shek College, 65-37, habang namayani naman ang Mirriam College sa unang laro ng midgets championship series kontra, St. Paul College Pasig, 59-48.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa darating na Nobyembre 11 kapwa tatangkain ng DLSZ at Miriam na masungkit na ang titulo sa Game 2 na idaraos sa parehas ding venue. .

Samantala sa best-of-three volleyball finals, nakalapit kapwa ang DLSZ at San Beda College Alabang sa tangkang mapanatili ang midgets at seniors title ayon sa pagkakasunod.

Tinalo ng DLSZ ang St. Scholatica's College, 25-23, 19-25, 27-25, sa Game 1 habang winalis ng San Beda ang CEU, 25-23, 26-24, 25-19.