Ni: Kate Louise Javier

Isinuko sa awtoridad ng isang babae ang tatlong pakete ng shabu na umano’y pag-aari ng 20-anyos niyang kapatid na iniulat na sangkot sa illegal drug activities sa Caloocan City, nitong Miyerkules.

Ayon kay Police Officer 1 Deo Joe Dador, may hawak ng kaso, bandang 3:45 ng hapon ay nagtungo si Edlyne Jan Glean, 23, sa Caloocan Police headquarters upang i-report ang ilegal na aktibidad ng kanyang kapatid na si Eduardo Glean, 20. Kapwa sila nakatira sa Barangay 14, Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nakita ng nakatatandang Glean ang mga pakete ng shabu nang mahulog ang mga ito mula sa bulsa ng kanyang kapatid habang nakikipag-inuman sa kanilang kapitbahay na sina “Dagul” at “Totoy” sa tapat ng kanilang bahay, dakong 12:30 ng madaling araw.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Sinabi ng pulis na isinumbong ng nakatatandang Glean ang kanyang kapatid upang tumigil na ito sa umano’y ilegal na aktibidad.

“The reportee is concern about her younger brother so she went to the police, reported her brother and turned over the evidences,” sabi ni Dador sa Balita.

Nakikipagtulungan na ang awtoridad sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) hinggil sa insidente.