Ni: Nitz Miralles

MAY pabor at hindi pabor sa sinulat namin na may pag-uusap sina Willie Revillame at ang GMA Network para magkaroon ng Saturday edition ang Wowowin. May hindi pabor dahil ibig sabihin daw, mababago ang programming ng network.

Kylie2 copy

May nag-suggest na sa halip na Satuday edition ng Wowowin, ang musical variety show ng GMA-7 gaya ng Party Pilipinas o S.O.P ang ibalik para magkaroon ng venue ang contract singers ng network.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

 

May mga pabor din sa Saturday edition ng Wowowin dahil madadagdagan ang matutulungan ni Willie at para mabigyan din ng exposure ang ibang Kapuso artists na hosting ang talent.

 

Ang plano raw, celebrities na at hindi lang mga komedyante ang magiging co-hosts ni Willie sa Saturday edition ng Wowowin. Regular co-host na yata para hindi nakakapag-absent ‘pag may raket.

 

Kaugnay nito, nabalitang isa si 2016 Miss International Kylie Verzosa sa bagong magiging co-host ni Willie sa Wowowin. Pero hindi pa raw sure ito, sa November 7 pa malalaman ang bagong line up ng co-host ni Willie. Sa nasabing petsa magre-resume ang taping ng show.