Ni: Nitz Miralles

ILANG episodes na ng Wowowin na walang mga co-host si Willie Revillame. Ito ang solong nagho-host ng kanyang show at ang kasama lang sa show ay ang Wowowin dancers. Bale ba, ilang araw ng may sakit si Willie, pero kinaya pa ring mag-host mag-isa.

Willie copy copy

Ang sabi, pinagbakasyon muna ni Willie ang kanyang mga co-host dahil hindi nito nagustuhan nang minsang makitang nagbubulungan ang mga ito at inisip daw na siya (si Willie) ang pinag-uusapan. Pero hindi pala ito ang totoong nangyari.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

  

Ang kuwento sa amin, nagalit si Willie dahil mas inuna ng kanyang co-host ang raket kesa sa Wowowin. In fairness, si Ara Arida nagpaalam na mag-a-absent muna ng ilang araw dahil sa shooting ng MMFF entry nina Vice Ganda, Daniel Padilla at Pia Wurtzbach.

Si Ashley Ortega nagpaalam dahil sa shooting at promo ng Spirit of the Glass 2: The Haunted ng OctoArts Films at showing na ngayong November 1. Nag-a-absent din ito minsan sa Wowowin dahil naman sa taping ng Super Ma’am. 

  

Si Donita Nose, marami na rin daw TV guestings at may shows pa sa ibang bansa kaya minsan, hindi na nakakapag-report sa Wowowin. Nagalit daw si Willie at pati ang ibang co-host nadamay at pati sila, hindi muna pinag-report sa show.

 

Kaya kahapon, sina Barbie Forteza at Ken Chan ang host sa isang segment. Nag-guest ang dalawa para i-promote ang movie nila sa Regal Multi Media na This Time I’ll Be Sweeter na showing sa November 8, hayun pinag-host na rin sila.

  

Anyway, pinag-uusapan na magkaroon ng Saturday edition ang Wowowin at ‘pag natuloy ito, celebrities na talaga ang magiging co-hosts ni Willie, mga Kapuso talents.

  

Hopefully, this November, back to normal na ang Wowowin at balik na ang mga co-host ni Willie, ‘yun ay kung pinabalik na sila ni Willie sa show.