Ni NORA CALDERON

SA interview namin sa bagong Kapuso star na si Sophie Albert sa set ng Magpakailanman, napangiti siya nang matanong tungkol sa napabalitang gusto pala niyang magmadre. 

Sophie copy

“Hindi po naman sa gusto kong magmadre, gusto ko lang makita kung paano ang buhay nila sa loob ng kumbento,” kuwento ni Sophie. “Nag-stay po ako ng ilang days sa Missionaries of Charity ni Saint Mother Theresa and I live a life of poverty, isa iyong naiibang experience para sa akin. Doon po ako natulog at tumulong sa mga gawain ng mga madre. 

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Naikuwento po rin nila sa akin na madalas daw pumunta roon si Miss Ai Ai delas Alas at nagsi-serve din doon. Ang saya ko po roon at nag-cross sa isip ko nang very, very light ang pagmamadre. Pero hindi ko po itinuloy at nandito pa rin ako sa showbiz.”

Nakumusta kay Sophie ang daddy niya na bed ridden na for 17 years.  

“Okey po naman siya, happy kami na naroon pa rin siya at kasama namin.” 

Si Sophie is Sophie Cojuangco Reyes, kaya related sila ng Queen of All Media na si Kris Aquino. Bale pamangkin siya ni Kris na pinsang buo ng mom niya.

Biniro si Sophie na nauna pa siyang nakalipat sa GMA kaysa kay Kris.  

“Siguro, in time naman din, magkakaroon din po siya ng show and she’s very good at what she does. I think, to be fair, she’s very good at what she does and she’s the only one who’s like that in the Philippines.”