Ni: PNA

NABUHAT ni Elien Perez ng Team Philippines ang tatlong gintong medalya nitong Linggo sa Asian Cup and Asian Inter-Club Weightlifting Championships sa Yanggu County, Gangwon Province, sa South Korea.

perez copy

Nakopo ng 18-anyos mula sa Tagbilaran City ang panalo sa women’s 53kg category na may kabuuang nabuhat na 158kg (71kg snatch at 87kg sa clean and jerk) sa Yongha Weightlifting Gymnasium.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

“I’m so blessed and thankful because the Lord gave me the opportunity to compete in this tournament,” pahayag ni Perez sa kanyang Facebook account.

Kabilang si Perez sa five-man Philippine Team na isinabak sa kompetisyon na sanctioned ng Asian Weightlifting Federation. Nasa koponan din sina Mary Flor Diaz, Dessa delos Santos, Elreen Ando at Margaret Colonia. Sina Ramon Solis at Allen Diaz.

Bago ang sabak sa South Korea, lumaban muna si Perez at nagwagi ng tatlong bronze medal sa Senior, Youth and Junior Asian Championship sa Kathmandu, Nepal nitong Hulyo.

Bahagi rin siya ng delegasyon sa Summer Universiade sa Chinese Taipei nitong Agosto kung saan tumapos siya sa ikasiyam na puwesto sa torneo na itinuturing Olympic Games ng mga student-athletes.

Bilang kinatawan ng Western Visayas (Region 7), nagwagi si Perez sa 53kg category sa Private Schools Athletic Association Sports Foundation, Inc. (PRISAA) National Games sa Zambales Sports Complex nitong Abril. Nagwagi rin siya sa 48kgs class sa 2016 (South Cotabato) at 2015 (Iloilo) edition.

Ipinapalagay na susunod sa mga yapak ni Rio Olympics silver medal winner Hidilyn Diaz, kabilang ang batang lifters sa National Team na inihahanda para sa 2018 Asian Games at 2019 Manila SEA Games.