Ni: Marivic Awitan
ISA sa mga naging sorpresa sa nakaraang 2017 PBA Annual Rookie Draft ang pagpili ng TNT Katropa sa Cebuano pointguard na si Mark Tallo bilang 10th overall pick.
Ni hindi napag-usapan at nabanggit si Tallo pre-rookie camp bilang isa sa posibleng makuha sa first round.
Ngunit sa paglilinaw ni Katropa coach Nash Racela, matagal na nilang minamataan si Tallo.
“Eversince kasi we’re looking for that back-up guard for Jayson Castro and we see a lot of potential on Tallo, “ pahayag ni Racela. “Nakita namin yung toughness niya at yung pinaka-importante is yung skills niya as point guard.”
Ayon pa kay Racela, hanggang sa Cebu ay nasubaybayan nila ang paglalaro ni Tallo at doon nila napatunayang taglay nito ang mga katangiang hinahanap nila para sa isang playmaker.
“We’re banking on those characteristics of Mark,” ayon pa kay Racela na naniniwalang sakto ito sa sistema ng Katropa.