Ni: Leandro Alborote

CAMP MACABULOS, Tarlac City - Dalawang kabataang lalaki ang nahaharap ngayon sa kasong rape matapos nilang bolahin sa text messaging ang isang 15-anyos na babaeng out-of-school hanggang halayin umano ito sa loob ng library ng isang high school sa Tarlac City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni PO2 Janeth Galutan, sinabi niyang edad 15 at 19 ang mga suspek, na kapwa naaresto ng mga pulis.

Napag-alaman na nagkasundo ang dalawang suspek na bolahin ang dalagita hanggang imbitahan ito sa isang bahay at dalhin sa library ng isang high school para roon halinhinang halayin.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog