April 13, 2026

Home BALITA Probinsya

Tagapagmana ni Ruben Enaje sa pagpapako sa krus, nakahanda nang saluhin panata

Tagapagmana ni Ruben Enaje sa pagpapako sa krus, nakahanda nang saluhin panata
Photo courtesy: MB file photo

Nakahanda na ang magiging tagapagmana ng batikang nagpapapako sa krus na si Ruben Enaje, sa pagsalang niya sa kahuli-hulihang pagganap bilang Hesus ngayong 2026.

Ayon sa mga ulat, si Arnold Maniago, 47 taong gulang ang nakatakdang pumalit kay Ruben sa taunang Via Crucis reenactment sa Barangay San Pedro Cutud, San Fernando, Pampanga.

Ayon kay Maniago, mas mahirap gampanan ang papel ni Enaje dahil kinakailangan niyang pasanin ang krus at tiisin ang matinding hirap bilang bahagi ng ritwal.

“Opo, handang-anda na po ma'am. Panata po kasi” ani Maniago sa panayam s akaniya ng media.

Batay pa sa mga ulat, napag-alamang halos 25 taon na ring namamanata si Maniago tuwing Semana Santa na kapwa nagbubuhat din ng krus.

Probinsya

‘One Cainta Pantry,’ muling binuhay dahil sa krisis

Samantala, lalahok pa rin si Enaje sa pagpapapako sa krus ngayong taon, taliwas sa nauna niyang pahayag na tatapusin na niya ang kaniyang matagal nang panata.

Makakasama niya ang iba pang matagal nang deboto tulad ni Wilfredo Salvador ng Barangay San Juan na 18 taon nang tumutupad sa panata, at si Fernando Mamangun ng Barangay Sta. Lucia na 30 taon nang nagsasagawa ng ritwal.

KAUGNAY NA BALITA: Kumabig? Ruben Enaje, tuloy pa rin pagpapako sa krus ngayong 2026!

Matatandaang nauna nang iniulat ang naunang kumpirmasyon ni Enaje na ngayong 2026 na sana siya hihinto sa pagpapapako bunsod umano ng mga nararamdaman niya sa kaniyang katawan.

“Hindi na po,” ani Enaje sa inilathalang panayam sa kaniya ng GMA News Online nitong Linggo, Marso 29, 2026, hinggil sa muli niyang paglahok ngayong Semana Santa.

Ibinahagi rin niya sa naturang panayamna noong nakaraang taon ay ramdam na niyang maaaring iyon na ang kaniyang huling pagsabak sa naturang gawain.

“Noong isang taon naramdaman ko na parang ito na yung huli ko. Kasi kinakapos na ako ng hininga,” aniya.

KAUGNAY NA BALITA:  Kilalang nagpapapako sa krus na si Ruben Enaje, 'di na itutuloy panata simula ngayong 2026!