TATLONG mananaya mula sa San Mateo, Taguig at Cabuyao, Laguna ang tumama sa jackpot ng Grand Lotto 6/55 nitong Sabado, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Masuwerteng tinamaan ng tatlo ang six-digit winning combination na 19-16-23-09-06-11 na may jackpot na P98,750,346.00 milyon, ayon kay PCSO assistant general manager for gaming sector Conrado C. Zabella

Nabili ang winning tickets sa lotto outlet sa Barangay Guitnang Bayan 1, San Mateo Rizal, Barangay Pinagsama, Taguig City and Barangay Banlic, Cabuyao Ciy, Laguna.

Kabuuang 113 naman ang tumama ng tig-P10,440.00 para sa limang tamang numero.

National

VP Sara Duterte, binisita si Ex-VP Leni Robredo sa Naga

Ang lotto 6/55 ay binobola tuwing Lunes, Miyerkules at Sabado. - Joseph Muego