Integridad at kakayahan.

Ito ang kinakailangan katangian ng susunod na chairman ng Commission on Elections (Comelec), ayon sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV).

Bukod dito, sinabi ni PPCRV chairperson Rene Sarmiento na ang papalit kay Andres Bautista ay kinakailangan ng pang-unawa sa mahihirap.

Nang tanungin kung may irerekomenda sila kay Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi niya na may kinakailangan pa silang pag-usapan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We will discuss in the PPCRV if we will recommend,” sabi ni Sarmiento, dating poll commissioner.

Ayon naman sa poll watchdog group Kontra Daya na kinakailangang mabait at may integridad ang susunod na Comelec chairman.

“As an independent commission, the Comelec should not be used for the political gains of those in power. Whoever will be appointed Comelec Chair should ensure that suffrage is not replaced by suffering,” ayon sa grupo.

Kamakailan lang, umapela ang Comelec-Employees Union kay Pangulong Duterte na ikonsiderang iupo ang “insiders” bilang kapalit ni Chairman Bautista.

“We note that there is no shortage of qualified and competent individuals from within the ranks,” sabi ng Comelec-EU. - Leslie Ann G. Aquino