Ni NORA CALDERON

OVERWHLEMED si Maine Mendoza sa successful book launch and autograph signing ng kanyang Yup, I’m That Girl kaya napaiyak siya habang nagpapasalamat sa napakaraming taong sumuporta sa kanya sa Trinoma Activity Center last Thursday, October 26.

Nagulat maging ang manager niyang si Rams David sa napakaraming dumalo, at ipinost niya sa Instagram ang kuhang video sa activity center na hanggang fourth floor ay puno ng mga taong gustong makita nang personal si Maine. Karamihan ay hindi na nakapagpapirma ng biniling libro sa sobrang dami ng mga tao.

MAINE Mendoza
MAINE Mendoza
Ang Nanay Dub ni Maine na si Mary Ann Mendoza, Wednesday evening pa lang ay nakatanggap na ng text na may mga supporters ang anak na papunta na agad sa Trinoma para mauna sila sa pila. Nakatanggap din kami ng photo na kuha sa pila na ng fans as early as 5:00 AM, ang iba ay natutulog sa labas ng mall, ganoong ang registration ay 1:00 PM pa at ang autograph signing ay magsisimula ng 5:00 PM hanggang 8:00 PM. Marami sa kanila ay galing pa sa iba-ibang probinsiya.

Human-Interest

Dating ALS learner, isa nang ganap na police officer

Bagamat matagal nang nai-announce na nagsusulat ng libro si Maine Mendoza, nahihirapan siyang tapusin agad ito dahil sa pagiging busy sa napakaraming bagay. May mga basher na nag-isip hindi naman daw si Maine ang totoong nagsulat ng book. Kaya naglabas si Maine ng paliwanag sa kanyang Instagram account na @mainedcm bago ang formal launch last Thursday:

“It is a dream for someone who writes to have her own book. I have been writing since 2011, and while some of you may think that I am ‘just’ a blogger, you must know that bloggers – writers in general -- put so much of themselves into what they do. Writing is a passion. And I may not be a good writer but I enjoy and love expressing myself through the written word. I want to share my experiences and ideas with people; in the hope that I can make a difference in someone’s life through my words. I want to inspire them the simplest way I could. And today might be just another day for some but not for me; today, another dream of mine will be fulfilled. I will be officially launching may book this afternoon and I couldn’t be prouder of the fact that I wrote everything in it. You’ll know some of my life’s little adventures (and misadventures too) #YupIAmThatGirl is an account of my life experiences and lessons, with pointers on the side, plus more info about me that you probably do not care about. Lol! I hope those who read my book will learn something from it, kung wala, ehhhh... sana meron!

Ngayon pa lang nagpapasalamat na ako sa lahat ng bibili at siyempre sa mga bumili na. And to the people who never fail to support me in everything I do, maraming salamat po! And to the Big Guy up there, thank you God, for giving me this chance to be one step closer to who I want to be.”

Dream pa rin ni Maine na muling makapagsulat ng isa pang book o magsulat ng stories. Matatandaang si Maine din ang sumulat ng lyrics ng theme song ng blockbuster movie nila ni Alden Richards na Imagine You & Me na nanalo ng awards. Sila rin ni Alden ang umawit at nag-record ng nasabing theme song.

Muli, isa pang pagbati ng congratulations, Maine Mendoza!