Ni REGGEE BONOAN

SINA Iñigo Pascual at Maris Racal ang love team at hindi sila puwedeng itambal sa iba dahil sila ang gusto ng fans. Ang ganda at ang lakas daw kasi ng fan base ng dalawa.

Kaya hindi na kataka-taka na si Maris ang special guest ni Iñigo sa kanyang thanksgiving concert na may titulong Dahil Sa ‘Yo na gaganapin sa Music Museum sa December 1, 8 PM.

IÑIGO AT MARIS
IÑIGO AT MARIS
Grateful ang anak ni Piolo Pascual sa napakaraming blessings na dumating sa kanya at projects sa kanya ngayon taon at nakabuslo na rin hanggang 2018. Kaya panahon na rin daw para pasalamatan niya ang supporters niya na simula nu’ng pumasok siya sa showbiz ay umalalay na sa kanya.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

May nagkuwento sa amin na sa umpisa ng 2017 ay nanalangin si Iñigo na sana ay umabot sa 12 ang product endorsements niya. As of this writing, walo na ang endorsements niya, kaya ang saya-saya ng binatilyo at proud daddy naman si Papa P sa achievements ng nag-iisang anak.

Napakaganda ng takbo career ng mag-amang Piolo at Iñigo, pareho silang sikat at kaliwa’t kanan ang projects.

Higit sa lahat, hindi pa rin natitinag sa pagiging number one sa BillboardPH ang Dahil Sa ‘Yo ni Iñigo. As of October 23, umabot na ito sa 20 weeks o 5 months sa top spot.

Natutuwa rin si Iñigo na pawang mga kapatid niya sa Cornerstone Entertainment, Inc. ang nasa number 2, 3 at 4 na sina KZ Tandingan - Two Less Lonely People in the World (theme song sa Kita Kita movie ), 11 weeks; Moira de la Torre -- Malaya (theme song ng Camp Sawi), 7 weeks at KZ uli -- Mahal Ko o Mahal Ako, 20 weeks.

Magkasama rin sina Iñigo at Maris sa OneMusicPH concert na gaganapin sa Enchanted Kingdom sa December 10.

Inalam namin sa aming source namin sa Cornerstone ang real-score nina Iñigo at Maris, dahil inamin naman ng binata special sa kanya ang dalaga.

“Ay wala po, magkaibigan lang as in close kasi nga halos lahat ng projects, magkasama sila at magre-record din sila ng kanta together in one album,” sabi sa amin.